Hanapan ang Blog na Ito

Miyerkules, Nobyembre 30, 2011

Sino Yaong Bukas Palad?

WOW!ANG GANDA
Sa isang kaharian,may isang byudong hari ang naghahanap ng makakaisang-dibdib ng kanyang anak na nagngangalang Lara.Hindi kaila sa kanya ang pagiging marikit sapagkat hindi siya pinapayagang lumabas kapag araw dahilang baka siya mangitim.

Dumating na ang araw ng pag-aanunsyo ng hari sa mga matitipunong lalaki upang malaman kung sino ang mapapangasawa ng kanyang nagiisang anak.Dinaan niya ang pagpili sa pamamagitan ng paligsahan sa paglangoy,pagtakbo,at pagbuhat.

Sinimulan na nila ang paligsahan kung saan pitong makikisig na lalaki ang sumali sa laro.Inuna nila ang paglangoy ng mahigit isang kilometro ang layo.Nanguna ang mayabang na lalaki sa paligsahan at nangulelat naman ang ubod nang bait na lalaki.Ngunit sa kabila ng lahat nakaisang puntos ang pinakaayaw ng prinsesa na lalaki.

Nagsimula na ang pangalawang laro ang pagtakbo na may layo na dalawampung kilometro.Nanguna na naman ang maangas na lalaki.Ngunit sa di inaasahang pangyayari nadapa ang lalaki biglang natawa ang magandang prinsesa at nagkatulakan naman ang ibang lalaki hanggang sa natira na lang ang pangit na lalaki ngunit hinampas ng mga nagkatulakang lalaki ang tuhod niya.Kaya agad nag reklamo ang prinsesa .Ngunit hindi naman ito pinansin ng hari.Kaya nakaisang puntos na naman ang walang modong lalaki.

Dumating na ang pinakahihintay nang lahat ang pangatlong pagtutuos,ang pagbuhat binuhat nila ang  mahigit labing- dalawang kilong bigas patagalan ang kanilang labanan.Agad sumuko ang pangit na lalaki sa oras na dalawang minuto.At nanalo ang kinasusukalaman niyang lalaki.

" Oras na para humusga" sinambit ng hari hanggang sa napili nila ang bungkot na manlalaro dahil namangha sila sa tunay na manlalaro dahil napakatatag niya simula palang sa laban.

Hanggang sa dumating na ang kinaaabangan na pangyayari ang kasalan,maraming dumalo kasama na ang anim na kalalakihan.Hanggang sa namuhay na sila ng masaya at mapayapa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento