Hanapan ang Blog na Ito

Lunes, Nobyembre 28, 2011

Mabuhay!,Ang Puno Ng Buhay

MABUHAY!!!ANG PUNO NG BUHAY 
Isa sa mga pinakikinabangan ng tao ay ang puno ng niyog sapagkat ito ang tinatawag nating "puno ng buhay" sa dahilang ang bawat bahagi nito mula sa bunga,katawan, o dahon man ay may kanya-kanyang gamit sa ating kabuhayan.

Sa nakaraang limang dekada ay ang kopra ang pangunahing produkto na ating iniluluwas kung saan bilyon-bilyong piso ang naiambag sa ating ekonomiya at nagbibigay ng hindi mabilang na hanap buhay sa mga Pilipinong magsasaka a t kamakailan lang ay may inihatid na pangako ang "buko juice" dahil may mga dayuhan nang nag papahayag ng interest upang gawin itong alternatibo laban sa softdrinks at iba pang fruit juice na nag tataglay ng mga kemikal na nakapipinsala sa katawan ng tao.

Palibhasa ay nakaligtaan na ng maraming magsasaka ng niyog ang pagtatanim ng mga bagong puno hanggang nag sulong ang pamahalaan ng isang malawakang "coconut tree planting" upang palitan ang matatanda nang puno at muling maitaas ang produksyon ng kopra.

Dahil nga tinagurian itong"tree of life" ay pati mga dahon nito at ugat ay may mga kanya-kanyang angking katangiang may sariling kapakinabangan para sa tao.Ang dahon ay nag sisilbing lilim ng ating kanlungan samantalng ang mga ugat nito ay nagagamit na palamuti sa ating mga tahanan.

Maraming naniniwala na dahil sa walang humpay na pag tulong ng pamahalaan sa industiya ng niyog ay muling manunumbalik ang masaganang ani kapag namunga na ang mga bagong puno na kasalukuyang  itinatanim,muli ng mananariwa ang ating ekonomiya sa tulong ng industriyang ito na makadadagdag sa atin mga kababayan ng maraming hanapbuhay,na magpapatotoo na bukod sa maraming sangkap nito at kabuhayang idudulot sa tao ay tama lang ang katawagang"puno ng buhay".

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento