"Ang Kabataan Ay Ang Pag-Asa Ng Bayan"
Sa salitang ito tila humahaplos sa aking puso ang pag-mamalaki sa aking bayang sinilangan na kung saan nakilala ko ang mga nilalang sa mundong ibabaw.Mga nilalang na kung saan ibat-iba ang pananaw sa kanilang pamumuhay.Kung ating pagmamasdan ilan na kaya ang mga maduduming karanasan na nabago ng salitang binitawan ng ating kinikilalang pambansang bayani?.Nag pakadakila siya sa atin,hindi lang upang kilalanin at hangaan ang kanyang pangalan kundi iligtas ang bansa sa sinumang mananakop na kumitil sa maraming buhay nang mga manananggol.
Ilang kabataan sa makabagong henerasyon ang hindi na nakakapag-aral at napapariwara ang kani-kanilang buhay dahilang napapabayaan na nila ang kanilang sarili at gumagamit ng bawal na gamot na kung saan ay maaaring mawala sa sariling pag-iisip ang isang tao.Kaya kailangan nila ng isang programa na makakapagpabago ng kanilang pamumuhay.
ANG BANDERA NG BALANGA
ang blog ng natatanging manunulat
Hanapan ang Blog na Ito
Sabado, Disyembre 3, 2011
Pilipinas,Tara Na!!!
Piliin Mo Ang Pilipinas |
Kahanga-hanga,makapitlag-puso,makalangit,kapita-pitagan at walang pinag-iwan sa isang tunay na paraiso.Ito ang Lucena,lugar para sa sinumang nilalang na ibig mapag-isa upang lasapin ang biyaya ng tunay na katahimikan sa buhay o dili naman kaya'y upang lunasan ang hapdi ng puso sa pamamagitan ng walang sawang pagmasid sa mapang-aliw at masaganang kagandahan ng buong pusong inihain ng kalikasan.
Huwebes, Disyembre 1, 2011
Mayroong mag kapatid ang nagkakasundo at nagbibigayan.Marami na rin ang natutuwa sa dalawa dahil pareho silang maganda.Hindi na rin mabilang ang nanliligaw sa kanila dahil bukod sa maganda ay mabait pa.Masaya silang nag tatawanan ng biglang may dumating na sulat at nabasa nila na papadalahan sila ng cellphone nang kanilang butihing ama na nasa Singapore.
Nang nakarating na ang cellphone ipinagpahanga nila ito sa kanilang kaklase,marami rin ang nagbigay ng "number" kayat napakasaya nila dahil isa sa mga nagbigay ay ang kanilang mga gusto.Nalaman ni Kyla na ang gusto niya ay ang gusto ni Mikee.Kaya bawat araw na magkikita sila ay hindi sila nag papansinan at kapag nababanggit nila ang salitang Marvin ay magsasabunutan sila.Nang nakita ito ng kanyang butihing ina ay agad pinag sabihan nila

Miyerkules, Nobyembre 30, 2011
Sino Yaong Bukas Palad?
WOW!ANG GANDA |
Dumating na ang araw ng pag-aanunsyo ng hari sa mga matitipunong lalaki upang malaman kung sino ang mapapangasawa ng kanyang nagiisang anak.Dinaan niya ang pagpili sa pamamagitan ng paligsahan sa paglangoy,pagtakbo,at pagbuhat.
Sinimulan na nila ang paligsahan kung saan pitong makikisig na lalaki ang sumali sa laro.Inuna nila ang paglangoy ng mahigit isang kilometro ang layo.Nanguna ang mayabang na lalaki sa paligsahan at nangulelat naman ang ubod nang bait na lalaki.Ngunit sa kabila ng lahat nakaisang puntos ang pinakaayaw ng prinsesa na lalaki.
Nagsimula na ang pangalawang laro ang pagtakbo na may layo na dalawampung kilometro.Nanguna na naman ang maangas na lalaki.Ngunit sa di inaasahang pangyayari nadapa ang lalaki biglang natawa ang magandang prinsesa at nagkatulakan naman ang ibang lalaki hanggang sa natira na lang ang pangit na lalaki ngunit hinampas ng mga nagkatulakang lalaki ang tuhod niya.Kaya agad nag reklamo ang prinsesa .Ngunit hindi naman ito pinansin ng hari.Kaya nakaisang puntos na naman ang walang modong lalaki.
Dumating na ang pinakahihintay nang lahat ang pangatlong pagtutuos,ang pagbuhat binuhat nila ang mahigit labing- dalawang kilong bigas patagalan ang kanilang labanan.Agad sumuko ang pangit na lalaki sa oras na dalawang minuto.At nanalo ang kinasusukalaman niyang lalaki.
" Oras na para humusga" sinambit ng hari hanggang sa napili nila ang bungkot na manlalaro dahil namangha sila sa tunay na manlalaro dahil napakatatag niya simula palang sa laban.
Hanggang sa dumating na ang kinaaabangan na pangyayari ang kasalan,maraming dumalo kasama na ang anim na kalalakihan.Hanggang sa namuhay na sila ng masaya at mapayapa.
Martes, Nobyembre 29, 2011
Laban Ng Ita,Laban Ng Lahat Ng Pilipino
“Ang unang pangkat ng mga taong dumating sa ating bansa ay ang mga ita, sila ay ating mga ninuno”
Mataman kong pinapakinggan ang mga salitang ito na lumalabas sa bibig ng aking guro habang ipinapaliwanag niya ang pinagmulan ng lahing dakila, ng lahing marangal, ng lahing Pilipino.
“Sila ay maitim, pandak, sarat ang ilong at kulot ang buhok,”
Tinignan ko ang aking kulay, kinapa ko ang aking ilong, hinawakan ko ang aking buhok. Ako ba ang tinutukoy ng aking guro? Napayuko ako kasabay ng pagbaling ng tingin sa akin ng aking mga kaklase. At kahit hindi ko sila nakikita ay para ko na ring nakikita ang kanilang mga nakangising labi, yung iba nga nakaismid habang pinipigil ang kanilang tawa. Pakiramdam ko`y para akong nauupos na kandila.
Oo, isa akong ita. Kabilang ako sa grupong ito,subalit kahit gaano ko man pilitin ang aking sariling mag-isip ay hindi ko mahanapan ng matinong kasagutan kung bakit kung ituring ang mga katulad ko ay hindi kabilang sa lahing Pilipino, at kung minsan nama‘y hindi kami itinuturing na tao.
Minsan sa isang linggo kami dati bumababa sa patag kung araw ng palengke para magtinda. Isinasama ako ni inang sa pagtitinda ng mga gulay, prutas at uling na pinaghihirapan nila ni amang.
Tuwang-tuwa ako dati sapagkat makikita ko ang patag, ang sentro ng tinatawag nilang kabihasnan.
Subalit hindi ko maintindihan kung bakit iba kung iba ang turing sa amin ng mga tao sa patag. Para kaming mga iba sa kanila. Hinding-hindi ko makalimutan minsang bulyawan si inang ng isang bumibili ng paninda namin dahil ayaw ibigay ni inang sa presyong gusto niya ang gulay na tinda, paano ba naman e luging-lugi na kami. Sobrang barat kung tumawad. Ang ganda pa mandin ng ale, pusturang-postura at halatang kagagaling ng simbahan, may belo pa kasi at rosaryong nakasabit sa kanyang leeg. Napakunot noo ako.
Maraming tanong ang naglalaro sa isipan ko, maraming bakit ang gusto kong masagot, kaya nga natuwa ako ng sabihin ni amang na doon na kami sa patag titira. Doon na rin daw ako mag-aaral.
“Naku, huwag ka ng umalis dito, malupit ang mga tao sa patag, lalaitin ka lang nila, pandidirihan”.
Ito ang mga salita ni Itong, kalaro ko nang sabihin ko sa kanyang bababa na kami. Pero hindi ako natinag.
Dalawang linggo na kami sa patag at isang linggo pa lang ako sa paaralan ng mapatunayan kong totoo ang mga sinabi ni Itong.
Hindi lang isang beses kong naranasang laitin, apihin at pandirihan, hindi dahil sa may ginawa akong masama kundi, dahil sa isa akong ita.
Gusto ko ng umuwi sa amin, doon sa bundok, doon sa aking tunay na tahanan sa bundok, doon kung saan walang nanlalait at nang-aaway sa akin. Naalala ko tuloy sina Itong, Nonong, Bokbok, Lotlot at Neneng. Siguro, sa oras na ito ay masaya silang naglalaro, nagtatakbuhan at nagtatawanan.
Pero naisip kong hindi dapat ako sumuko. Lalaban ako, hindi ko dapat isuko ang aking nasimulang pakikipaglaban laban sa maling pananaw ng mga tao sa mga katulad ko. Ang aking laban ay inaari kong hindi lang akin, kundi laban ko at ng lahat ng mga itang katulad ko. Kung susuko ako‘y, para ko na ring isinuko ang aking buhay at pagkatao laban sa mapanuring mata at mapang-husgang tao ditto sa patag.
“Naintindihan nyo ba ang ating aralin ngayon? May mga katanungan ba kayo o mga gustong idagdag?
Nagtaas ako ng kamay at tumayo. Kasabay ng muling pagbaling ng mga mapanghusgang mata ng aking mga kaklase ay nagsalita ako.
“Naintindihan ko po ang ating aralin mam. Ang hindi ko lang po maintindihan ay kung bakit marami pa rin at meron pa ring mga kababayan natin ang hindi makaintindi na lahat tayo ay mga Pilipino, magkakapantay anuman ang kulay at hitsura. Sa paningin ng Diyos, walang mataas o mababa sa atin, nilikha tayong kawangis Niya. Nakalulungkot po talaga ang pangyayaring ito.”
“Totoo pong isa akong ita. Maitim ang balat, kulot ang buhok, sarat ang ilong at pandak. Hindi ko po ito ikinahihiya kahit marami ang natatawa at nanlalait sa akin at sa mga katulad ko. Bakit? Dahil alam ko at naniniwala na mas dapat mahiya ang mga taong ito, na sila ang dapat pagtawanan dahil hindi sila makaunawa at ang mas masaklap, ayaw nilang umunawa.”
Ang mga matang nag-uusig kanina ay naramdaman ko na lamang na tumitig pababa, ang mga nahihinang tawanan ay bigla na lang naglaho.
Kanina, kung ang pakiramdam ko ay parang isang kandilang unti-unting nauupos, ngayon, hindi na. Pakiramdam ko ngayo’y para akong kandilang nasindihan at ngayoy buong ningning na nagliliwanag.
Lunes, Nobyembre 28, 2011
Sa silong ng isang puno ay mayroong isang inahing manok na nagli-limlim sa 5 itlog. Masayang-masaya ang inahing manok dahil malapit na ang pag-sapit ng pag-pisa ng kanyang mga itlog. Ilang araw na lang ang kanyang hihintayin ay makikita na niya ang kanyang mga sisiw. Maging ang mga katabi niyang hayop na naninirahan din sa malaking punong iyon ay tuwang tuwa para sa kanya.
"Sa saglit na araw na lamang ay makikita mo na ang iyong mga sisiw manok."
Masayang pa-alala ng katabi niyang bibi na nag aalaga ng sampung kiti. ito na rin ang kanyang naging kaibigan simula ng siya ay mapunta sa ilalim ng punong iyon. Ito rin ang naging katulong niya sa pag babantay sa kanyang mga itlog tuwing siya ay nag hahanap ng makakain.
"Naku bibi napaka-saya ko sa aking mga itlog sana ay malulusog silang sisiw at walang karamdaman sa kanilang mga katawan. "
Tuwang-tuwa namang sagot ng inahing manok.
Isang araw habang nag lalakad ang inahing manok sa bukid ay nakita niya na may isang ahas na papunta sa malaking puno na tinitirhan niya kasama ang ibang mag hayop na nandoon. Nakaramdam ng kaba ang inahing manok. Alam niya kasi na kaaway ng lahat ang ahas na iyon. Marami na kasing tinakot na mga hayop ang ahas. Dali dali siyang bumalik sa kanyang pugad upang tignan ang mga naiwan niyang mga itlog, na binabantayan naman ng bibi ng mga sandaling iyon.
Tahimik naman niyang dinatnan ang ibang mga nakatira doon. Mga maliliit lamang na uri ang mga hayop na kasama ng inahing manok. Pumasok siya sa kanyang pugad, nakita niyang natutulog ang bibi kasama ang kanyang mga kiti na nakapalibot sa inahing bibi.
Lulukuban na sana ng inahing manok ang kanyang mga itlog ng makita niyang nasa likuran pala niya ang malaking ahas at nakangiting nakalabas ang matatalim na ngipin nito. Natakot ang manok at nag-puputak ito. Nagising ang hayop na naroroon na mga tahimik na nag papahinga. Naalarma ang lahat. Maging ang bibi ay natakot din. Agad nilubukan inahing bibi ang mga kiti niyang takot na takot din sa malaking ahas. Takot na takot ang lahat. Alam nilang wala silang laban sa malaking ahas na naroroon. Hindi alam ng manok ang kanyang gagawin. Natatakot siya para sa kanyang mga itlog, nag isip ng maigi nag manok.
Habang nag i-isip itoy biglang nag sungit ang panahon. Bumuhos ang malakas na ulan. Lalong natakot ang inahing manok habang ang ahas naman na kanina pa lumiligid sa kanila ay lumapit pa sa pugad ng inahin. Hin di naman hinayaang makalapit ng inahin ang ahas, Sa halip ay hinampas niya ito ng papak sabay ng pag kahig. Maging ang bibi ay tumulog din sabay nilang pinag tulungan ang ahas na nais kainin ang itlog ng inahing manok.
Nasaktan naman ang ahas, dahilan upang mag wala ito doon. Hindi naman sinsadya nitong mataamaan ang pugad ng manok. Lumabas na ang ahas subalit nataob ang pugad. Gumulong ang mga itlog ng manok. Kumalat ang mga ito sa kulob ng kanilang tahanan.Habang ang isa naman ay gumulong patungo sa labas . Nabasa ito ng tubig, sa takot ng manok ay nag mamadali itong lumabas ng pugad at hinabol ang gumugulong na itlog. Oras na hindi iyon huminto ay malalag-lag an g itlog sa ilog at hindi na makukuha pa ng inahing manok . Naataranta ang ibang hayop para sa itlog, nag labasan din ang ibang hayop na tutulong sa manok upang masagip ang itlog nito. Subalit walang umabot ng makita nilang nahulog na ang itlog papunta sa ilog.
Para namang nawalan ng pag-asa ang inahing manok sa pang-yayari iyong . NAlungkot ang lahat para sa manok. Sumilip ang manok kasama ng ibang hayop na naroroon sa ilog. Para namang nabuhayan ang manok ng makita niyang nakasala-lak pa pala ang itlog niya sa mga ugat ng kahoy na naroroon. Nakasalalak ito doon at malapit ng malag-lag. Nag mamadali namang bumaba ang ibang naroroon. Nandoon pala sa puno ang matsing na nag mamasid , agad itong bumaba sa puno at patalon ng inabot ang itlog sa pag kalag-lag sa ilog.
Nakahinga ng maluwag ang lahat. Masaya sila sa ginawang pag-tulong ng matsing sa manok. Ang manok nama'y kinuha agad ang kanyang itlog sa nag magdang loob na kapwa niya hayop.
"Maraming salamat kaibigang matsing sa ginawa mong pag-tulong sa aking itlog."
Walang humpay na pasasalamat nito sa matsing.
Masaya namang dinala ng matsing ang itlog sa pugad ng manok. Tumulong na rin ito upang ipunin ang itlog na gumulong kanina sa iba pang bahagi ng kanilang pugad. Ng maipo'y masayang pinag masdan ng manok ang knayang mga itlog. Nagulat naman ito ng dahan-dahang napipisa ang itlog. Napatingin ang lahat dito, Inabangan nila kung ano ang mga susunod pang manyayari.
isang maliit na tuka naman ang sumilay sa itlog. Tinulungan naman ng inahing manok ang kanyang itlog sa pag-pisa nito. Lumabas na ang unag sisiw. Masayang nag hiyawan ang mga hayop, sunod sunod naman na ang pag pisa ng mga itlog. Limang malulusog na sisw ang lumas sa itlog. Gaya ng hiling ng inahin para dito. Masayang nilukuban ng manok ang kanyang mga bagong pisang sisiw at nag-pasalamat sa lahat ng mga naroroon..
Posted by christian onera

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)